Ang mga drayber sa Pilipinas, partikular ang mga PUV (public utility vehicle) drivers ay madalas nakakainis. Gaya na lamang ng mga drayber ng bus. Araw-araw akong sumasakay ng bus sa EDSA. *Ayala yala yala LRT Leveriza (pronounced by them as "LIVIRIZA")! Lagi ko itong naririnig sa mga kunduktor na nakikipag-agawan ng pasahero. Del Carmen, Filipinas Trailways, Erin, Philippine Corinthian Liner, Bave, JMK ay ilan lang sa mga bus na sinasakyan ko araw-araw sa EDSA. May mga bus na ayos-- maganda! Pero mas madalas akong mapasakay sa mga bulok na bus na palaging nakalawit sa loob yung mga gulong. Okay lang sana kung walang trapik pero hindi eh. Twing umaga kailangan kong makipagsapalaran sa trapiko sa Guadalupe patungong Ayala. Minsan mang maluwag ang trapiko, nuknukan naman ng katagalan maghintay sa Cubao, Ortigas, Shaw, Boni, Guadalupe, Estrella at Buendia. so wala rin. Minsan na akong nakasakay sa bus na pinagmamalaki ng mga ka-opisina ko. it ay ang FermEx o pinaikling Fermina Express. Parang FedEx. Mabilis ito at hindi masyado naghihintay ng pasahero. Yun nga lang, hindi karamihan ang mga ito at kailangan pang hintayin nang matagal sa gitna ng Cubao Ibabaw kung kaya'y hindi na naulit ang mabilis na biyahe. Na-stuck lang ako sa mababagal na !##?+\0$%^&%^**(*. Pag medyo napupuno na sa Shaw ang bus, bukambibig na ng mga kunduktor ang "konting usog pa!" o di kaya'y "sa dulo! animan yun!" kahit wala nang madaanan maging ang kunduktor.
Isang beses, may isang pasahero na naglakas-loob magreklamo at nakipag-away sa kunduktor. #$%^ din naman yung kunduktor dahil sinabi nito na mag MRT na lang ang naturang pasahero at nagtatrabaho daw sila nang mahusay. $%^&* nga naman oo.
Isa pa ang mga drayber ng dyip. kahit kinakalawang na ay isisiksik pa rin ang maraming tao. "Waluhan yan!" sigaw niya kahit anim lang ang kasya. Lulutang na lang ang pwet ng kawawang pasaherong nagpa-uto. Tama nga si Bob Ong. Hindi pa ipinapanganak ang super Pinoy Driver.
Thursday, January 25, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)