Malaki rin pala yung risk sa trabaho ko bilang isang MAS ng Diners Club Philippines.
Yung una kong karanasan na mahuli sa isang mall dahil wala akong permit ay sa Tiendesitas kung saan sinundan talaga ako ng guwardiya hanggang ako'y mahuli niya. Sinabi ko na lang na vital sa business ng merchant yung ginagawa kong iyon kaya hindi na nakaimik yung naturang guwardiya. Buti na lang ay naki-ride sa akin yung merchant na kausap ko.
Pangalawa naman ay nung nahuli kami ng guwardiya sa EDSA Shangri-la habang namimigay ng mga ballpen para sa Christmas giveaways. Nakaka-16 merchants pa lang kami nang kami'y hulihin at ipadala sa Admin Office ng naturang mall. Alam ko kung bakit ako nahuli noon. Kasama ko kasi ang "walking balat" ng merchant sales unit namin. May huli nga talaga.
Isa pa ay sa Shoppesville kung saan pagkatapos kong mag-check ng terminal ay nagliyab sa loob ng tindahan at muntikan na kaming masunog. Buti na lang ay naagapan naman kaagad.
Dati naman nahuli ako sa daan noong kasagsagan ng bagyong Milenyo kung saan nagdedelubyo na at nagchecheck pa rin ako ng mga terminal.
Ayos di ba?Ü
Tuesday, February 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
nyahahaha talagang sinundan ka ng guardia hah! baka iba ang pakay nya.. kakalokah! ;-P
Post a Comment