Tuesday, November 6, 2007

Roxas/ Boracay Trip

It all started last October 12 when I heard my cousins talking about going to Roxas City in Capiz. Hinayaan ko lang sila kasi kakagaling ko lang doon nung September 14-16. Sabi ko bahala na lang sila dun. Trabaho na lang ang aatupagin ko.


Anyway, flash forward, my cousin Mikki texted me the following week asking if I were coming. I said "nope. not me." She then proceeded to tell me that they would also go to Bora on the 2nd to the 3rd. It turned out that Mikki, Cacai, Kiyo, Ish, and Omar were going too so I had a change of heart and told her that I was coming too.


Monday, October 22 I bought my ticket to Roxas (PR 189 on November 1 and PR 190 on November 6). All of them except for me and my sister took the Cebu Pacific flight.


Finally, Thursday, November 1 came and off we went to Roxas. Our flight left at exactly 5.20AM. To my surprise, I knew one of the flight attendants on board. She's Rapunzel Hernandez, Rhap or Raph for short. She was one of the talents when we shot the independent film "Ang Anak Ni Brocka". It has been a little over two years since I last saw her. It was really funny when someone you know keeps calling you sir in a flight. Well at least everytime she talks to me she smiles. haha.


Unfortunately, the weather in Roxas was not cooperative. We aborted landing about twice and they decided to divert the plane to Iloilo. When we landed, we were kept posted by the crew. We were told that the plane would make another attempt to land in Roxas, weather permitting. If not, the plane would fly back to Manila. I decided to not to gamble so my sis and I, along with the throng of passengers, disembarked there and just took a bus. It was good that our seatmate was kind enough to offer assistance so the three of us took a bus. We arrived in our destination only an hour ahead of the others.


Pagdating dun, kain tulog lang. Nagising lang nung dumating sila tapos tulog uli. Umalis kami before sunset punta sa beach pero biglang umulan so punta na lang kami sa Gaisano then uwi na. Punta din kami sementeryo to eat, then back home to eat again.


Prepare lang kami ng gamit then konting kwentuhan then tulog na.


November 2 buti na lang nakasabay namin yung pinsan ni Omar so libre sakay. I fell asleep and when I woke up may lock jaw na ko. til this time meron pa rin so ang hirap kumain. We ate lunch in Kalibo. Masarap pa rin.


next time na part 2. pagod na ko.

Saturday, October 20, 2007

Idiotic Overtime Ü

Today, October 20, 2007, something really weird happened to me and my colleague at work. I guess you know me already so itago na lang nating siya sa pangalang "idiot 2".

Anyway, we planned this overtime work in Podium last Monday. We were kinda excited. This is the first time that she would go on a weekend overtime in her SBCards stint.

Gayumpaman, kahapon, may isang pangyayaring hindi namin inaasahan. May mga asshole na nag-detonate ng bomba sa Glorietta 2. Last night practically all my bosses either called me up or texted me to discourage me to push through with the overtime for safety reasons. I told them that I would prefer to push through with my work. Sayang ang allowance and overtime pay. But I consulted my mom and she said na tama 'wag na kami tumuloy dahil baka delikado pa.

Anyway, I texted idiot 2 saying that I did not want to go na lang because everyone was against it. She called me up and said na sayang naman. She wants the job finished already so we agreed to meet up at 11 am.

At around midnight last night she texted me saying that medyo takot na rin sya after watching the news but I pleaded for us to go ahead. Find below the text messages:

From idiot 2:
Hi dave. Im really confused. Dnt knw if i want to go or nt. Pwede txt txt nalang muna tayo 2mrw around 10 if tuloy tayo or hndi.

Idiot 1's reply:
Sige na tuloy na tayo pls.. Ikaw na rin naman ang nagsabi na gusto mo.

Idiot 2:
U thnk its safe lang? Parang natakot narin ako dahil sa news. But i really want to push thru. Para tapos na..

But we still decided to go..

Come present day, I texted her at around 10am, saying na tinatamad na ko. She told me that I could not back out since she is dressed up already. Nagdadabog akong nag-ayos ng gamit ko at sarili tapos umalis na ko.

We met up at Megamall and I said,"T___, nakalimutan ko yung ID ko."
"Eh di susunod ka lang sa kin. Alalay kita," she replied. (She rummages her bag for her ID)
"Oh no! Where is my ID? Hindi ko naman ginalaw itong bag ko yesterday,"she exclaims.

Hinanap nya yung ID sa bag nya for so many times but she failed to find it. Nakakainis kasi we decided na hindi na rin kami ipapa-check ng mga merchants ng POS nila because our ID's were not in our possession.

We just ate lunch and sinamahan ko na lang sya sa Megamall to do some shopping. Unfortunately for her and more especially me, wala ring nabili.

Sayang talaga. Ang 700 pesos sana na kikitain namin ngayon, naging negative pa dahil sa gastos.

Bwisit. I just hope that Ligo Sardines can make my day today. :( (refer to earlier blog post).

Tuesday, September 18, 2007

roxas

_sept 14-17 i was in roxas city. wala lang..

Friday, August 10, 2007

isa na lang

oki oki! - Mark Tanlimco

:)

Wednesday, August 1, 2007

additional merchant quotes, atbp.

may mga hindi ako sinama sa nauna kong entry dito. yon ay yung mga sinabi ko na dati habang nag-iinuman kami, tulad na lang ng:

"Ignorantiam legis excusat nominem." Actually hindi ko alam kung tama yung Latin ko kaya isinasalin ko na lamang sa wikang Inggles: "Ignorance of the law excuses no one."

Kahit ano pa ang sitwasyon, yun lang ang sinasabi ko kapag tinatamaan na ko ng iniinom na alak.

"Nunquam iterum." (never again). Nakuha ko ito sa isang sign na nakapaskil sa labas ng isang Philippine Marines staff houses. Sinasabi ko ito kapag mayroon akong isang pinagsisisihang nagawa at isinumpa sa sarili na hindi na uulitin ang nasabing gawain.

hindi ko alam kung naisulat ko na rin yung mga palayaw na ginawa para sa amin ng isa naming lumisan na kasamahan na ang pangalan ay Paula Catalan. Ito ay:

LOLO- AJ Vergara
GREAT GRAND- Allan de Guia
SUPER LOLO- Ronnie Gobres
TITO- Ako
TITA- Tori Vicente
HAMSTER- Mark Tanlimco (actually, yung VP namin na si Sir Andrew ang nagbigay nito. Inadopt lang naming lahat ito. Ginawa pa ngang cute ni Tori: Hammie)
TJ- TJ San Diego
Gerry- Sir Gerry

*note* boring na kasi yung huling dalawang taong nakalista kaya hindi na binigyan ni Paula ng palayaw ang mga ito.

AH! May tawag naman pala ako kay Gerry. Iyon ay "master" dahil naglalaro kami palagi ng Midnight Pool sa cellphone ko at palagi siyang nananalo sa mga tournament namin. Ngunit sa kasamaang palad ay nahuli ko siyang minsan ay dinadaya ako. Tinira ba naman yung bola ko tapos bad shot lumabas. Naisip ko na lagi niya kong dinadaya sa mga tournament namin kaya naging "master cheater" na o di kaya "fraudster".

Kung bigyan namin ng palayaw ang mga iba naming kasamahan ay parang magkakasing-level lang kami no? Pero hindi. Ito ang mga katungkulan at ranggo namin:

Ronnie Gobres, Senior Assistant Manager- Merchant Sales OIC (39 yrs old)
Gerry Silva, Assistant Manager- Merchant Sales Key Accounts Specialist and Regional Luzon Head (34 yrs old)
Allan de Guia, Junior Assistant Manager- North Luzon Merchant Specialist (34 yrs old)
Mark Tanlimco, Junior Assistant Manager- Metro Manila Area Head (24 yrs old)
AJ Vergara, staff (future JAM)- Quezon City/ Marikina Area Merchant Specialist (26 yrs old)
TJ San Diego, staff- South Luzon Merchant Specialist (24 yrs old)
David Mejia, staff- Pasig/ Mandaluyong/ Pateros/ San Juan Merchant Specialist (22 yrs old)
Tori Vicente, staff- Merchant Sales Perks Specialist/ prima donna (23 yrs old)

Pagod na ko mag-type. Mahal na rin ang rental dito sa Netopia. Next time na lang.

Friday, July 27, 2007

merchant quotes (edited)

Kaming mga merchant boys and girls ay marami nang naiimbentong "quotes" ika nga at mga ibang talasalitaan. ililista ko ang ilan sa mga naipon ko sa isang taon kong paglilingkod sa SB Cards.

"I need this job"- Ronnie Gobres

"Look for a better job!"- David Mejia

"Gago ka hindi ka nagbigay ng kalendaryo sa Ermita! Kasama ko si Dave at Mang Sonny puro 2006 pa yung nakita namin!"- Mark Tanlimco

"Fack youuuu! Nagbigay ako ng kalendaryo dun! Tignan mo pa yung call report ko!" - Fer Setenta (resigned April 2007)

"(name)! May good news ako sa yo!" - Mark Tanlimco

"(name)! May bad news ako sa yo!" - Mark Tanlimco

"(name)! May good news at bad news ako sa yo. Anong gusto mong unahin ko? yung good news o bad news?"- Mark Tanlimco

"weder weder lang yan" - Mark Tanlimco

"Pagkatapos dumumi, gusto ko lemon fresh yung pwet ko." - AJ Vergara (note: kasama ko siya sa holiday inn galleria CR nang sinabi kong natatae ako. hindi namin alam na may mga tao palang tumatae ng mga panahong iyon. biglang lumabas yung isa at hindi man lang naghugas ng kamay.)

"hindi eh!" - Fer Setenta (ginagaya yung mukha ni Junthy Valenzuela)

"Arvydas Sabonis" - tawag sa isang kasamahan namin na katatapos lang sabunin ng boss. (si Sabonis ay isang dating NBA player)

"strawberry jam" - tawag sa isang magandang babae na taga-Baguio

"STO" - soon to open

"PTA" - PR calls, Training and Affiliations

"idiot 1, idiot 2" - sabi ni Gerry Silva nang minsan sa Shangri-la ay muntik na kaming bumaba sakay ng isang escalator na paakyat pala. mali naman kasi yung direksyon ng escalator na yun)

"nek nek mo" - merchant sales regional luzon team: TJ San Diego & Allan de Guia

"are you kidding me?!" - Victoria Vicente

"Yuck (name), it's so for the poor!" - Victoria Vicente

"Ayoko na sa merchants! nawawala yung pagka-sosyal ko!" - Victoria Vicente (nung naglalakad kami sa Valero sa ilalim ng matinding sikat ng araw)

"kilala mo ba ko?" - Victoria Vicente (nung ayaw sila papasukin sa Bel Air ng gwardya)

"I thought you were my friend." - tori Vicente

"magpapadala ako ng tao ko" - Mark Tanlimco (f na f maging boss)

"hindi pa ko lashing!" - David Mejia (habang nakaupo sa sidewalk ng Valero sa gitna ng inuman)

"dapat simultaneous (spontaneous) ka sa training." - Fer Setenta

"Para kang walang plano sa buhay. I need a sure answer!" - Cocoy Benitez (dati naming head. sinasabihan ako. resigned February 2007)

"nakita ko pa nga si Dave naglalakad sa tapat ng National Book Store na parang dinosaur." - Edgar Abrera, resigned May 2007)

"Yea mama!" - Allan de Guia (ginagaya yung ju Mong)

"yea Pe ha" - Allan de guia (Ju Mong pa rin)

"shoshal!" - Paula Catalan (resigned July 2007 effective July 31)

"Irate na naman ang lolo ko!" - Paula Catalan (referring to AJ)

"Irate si tito!" - Paula Catalan (referring to me)

"Dave! ayokong sumakay sa bus! Dapat may kotse! Ayokong sumama kung sasakay tayo sa bus." - Tori Vicente

pronunciations:

kenneth col (kenneth cole) - Mark Tanlimco

khanel (chanel) - Mark Tanlimco

Relaksisi (Relaksasi) - Mark Tanlimco

Treo (Trio) - Mark Tanlimco

Arkard (Orchard) - Mark Tanlimco

piti cash (petty cash) - Ronnie Gobres

Plain and Print (Plains & Prints) - Mark Tanlimco

Manel (Manels) - Mark Tanlimco

note: by this point dapat gets nyo na na hindi binibigkas at sinusulat ni mark yung letrang "s" sa dulo ng pangalan ng mga tindahan. isip pa kayo ng ibang tindahan na may "s" sa dulo.

Iisip muna ko ng iba pang quotes. Magkakaroon pa ng part 2 ito.

Wednesday, July 25, 2007

Jobs, jobs...

"Guys, tell yourselves, 'I need this job.'" - Ronnie Gobres (boss ko)
"I should find another job!"- David Mejia (ako)

hehe.
this is one nagging issue in the office right now. recently, there have been major adjustments in our job descriptions. starting july 23, we would all just concentrate on affiliations and the PR calls only on the head offices in our assigned areas.

although now we could really feel like account executives, it is much too late and i am not content with my job. i have reached my point of elasticity and now i am just doing my job because i need to and not because i want to. i am very sorry to say that.

oh well.. they say that i cannot find a job that's this entertaining. i must admit that this job is entertaining but i have come to think about earning much more money. so this question comes in mind: would i choose happiness in my company that pays little or a financially-rewarding job? you will call me a hypocrite if i choose happiness with a low salary. i also think that this is not the only job that i can be happy.

as most of you know, my ultimate target in life is to become a commercial airline pilot. so right now, i say "to hell with 'career advancement'. what i need is money... tsaka wala namang advancement sa ginagawa namin eh.

sorry kung ang tingin nyo sa kin eh mukhang pera. i am just being practical and i hope you understand.

Wednesday, July 18, 2007

How Ligo Sardines Made My Day

Yesterday, July 17, I was having a pretty bad day because of the extreme heat in Jupiter Street, knowing something about someone that I think I shouldn't have known, getting stuck in Ministop N. Domingo because of the strong rain, and all the work-related stress. I ate Lucky Me la paz batchoy in Ministop but it was not enough to brighten up my sour mood.

When I was finally able to go home, I found that the food was not really up to my liking so I only ate a few bites. I was really hungry and pissed off until i found the most unusual thing inside our cupboard. It was a small can of Ligo Sardines in Spicy tomato sauce that we bought at Unimart for the price of Php10.30...

Imagine my joy when I opened the can and had a few bites of the sardines. It left me smiling and I couldn't believe that eating Ligo Sardines in spicy tomato sauce could actually lift my spirits. Damn, if you only you, my dear readers, could experience that same joy in eating Ligo Sardines in spicy tomato sauce...

I truly recommend it. Subukan niyo!Ü

Tuesday, June 5, 2007

tagaytay... tagaytay... tagayt.......

sinulat ko na dito yung unang 2 trips namin sa tagaytay. the following friday, may 11, pumunta uli ako sa tagaytay this time with cindy and candy. umakyat kami ng mga 10 pm. dinner kami sa carlos pizza then sakto midnight kinantahan nila ko ng happy birthday song. then starbucks after..

may 12 pumunta uli ako this time with cara and paolo. 4:30pm kami pumanik and nag dinner kami sa teriyaki boy, then uminom sa carlos pizza, then starbucks bago umuwi..

may 13 pumunta na naman ako with dianne and jojo. 5:00pm na kami pumanik. nag dinner lang kami sa carlos pizza. then starbucks after..

may 15 bumalik ako sa tagaytay. i was with dianne, patty, and carlo. pumanik kami ng 11:30am then lunch sa carlos pizza with a bottle of beer, margarita sa mile hi, starbucks, drive hanggang punta fuego, horseback riding! may magagandang moments din nung time na yun. then we went to mushroomburger to eat then pumunta na kami sa ayala alabang. we had dinner at molokai, again with a few bottles of beer.

june 1 pumunta uli ako this time with ate and her friends. pumanik kami ng 10:00pm and nag dinner lang kami sa carlos pizza.

wala nang starbucks after...

wrong text again

last saturday another person texted me this message:

Plz pick me her n manila. Im n sta rosa laguna near n da sch. (Dave: San ba talaga?) Im at papa sister haus. (???) I wil cam with u n cbu. Dnt sel our things there hun. (D: may gf pala ko) F u do dat i dnt knw f i stil live u n labangun.Shery.Txbk.Dnt kol. (D: What?) I stole dis cel 2 txt u. (D: magnanakaw pa!) Dnt kol so de dnt recognize i am 2king 2 u.Sheryl. (D: recognize???)

there are some people who try hard to send SMS in English but fail miserably. bakit hindi na lan nila tagalugin? and besides, why do they always send their messages to me?? nababangas ko pa tuloy.

Sunday, May 6, 2007

saya

since last 3 weeks ago ang saya ng mga nangyayari dito.

1. umuwi si pasion at uminom kami sa farmers
2. nung despedida ni fer masaya yung adventure kasi tumirik yung car ni sir edgar. after that nag inuman pa kami sa farmers tapos starbucks.
3. 2 sundays ago nasa white plains kami. dun kami natulog magpipinsan tapos lasing na lasing ako. sumuka ako for the 2nd time.
4. last friday depedida ni leo kaya uminom kami sa vicino
5. right after that derecho sa white plains. hindi na naman kami natulog. dercho kami sa batangas mga 530am.
6. sobrang saya sa munting buhangin. after that dinner kami sa tagaytay. sobrang laugh trip naman kami ni dianne nung pauwi.
7. wednesday may 2 surprise party ni dianne. nakakatawa sya kasi talagang clueless sya. dinala namin sa greenhills para ma-distract.
8. friday may 4 magyaya uli ako uminom sa vicinothen after that pumunta ako sa chilis then inom ng iced tea kasama sila tita marji, ate rica, tristan, dianne at patty. after that punta kamis sa white plains tapos nagyaya si patty pumunta sa tagaytay ng quarter to 1 ng madaling araw. ginamit namin yung surf tapos binuksan ni dianne yung sunroof tapos ayaw nang sumara. 30 minutes lang kami sa tagaytay kasi masyadong kabado si patty.
9. saturday night dapat margarita night uli kami ni dianne at patty sa chilis pero pumunta uli kami sa tagaytay. at least nakapag-wine pa kami sa mile hi then starbucks uli. :)

natutuwa ako sobra kahit 3 lang kami sobrang laugh trip. ang saya kasi nila kasama. :))

Thursday, April 12, 2007

birthday ko next month

like i said, marami na kong plano na hindi na nasunod. like itong sa birthday ko. sana pupunta ako sa singapore with someone special pero i guess hindi na ito matutuloy so pupunta na lang ako sa roxas city. baka mag boracay na rin ako... by myself.

sana maayos ko pa ang lahat pero feeling ko huli na talaga so talagang "by myself" na lang ako sa birthday ko. masaya talaga yung last year kasi three days akong nag celebrate with different groups of people.

pinaplano ko na talaga yung singapore trip ko eh kaso lang sa ngayon mejo malabo na talaga. sayang. midyear bonus pa naman yun.

oh well, sa boracay na lang ako. dun ako maghahanap. baka may madali ako dun na foreigner. haha wishful thinking.

si *****_**** naman kasi. bakit ba ko nagpaplano with her in my mind? ewan ko nga ba. baliw na lang siguro talaga ako.

holy week 2007

thursday

i went to la mesa ecopark with dante and his best friend.

friday

i went out with my cousins. we went to starbucks missouri and in the evening we saw ate off.

saturday

we went to tagaytay!

Monday, April 9, 2007

sad and mad

something happened to me a while ago. i should be sad and mad but no! why did i feel happy?
i really am a fool.

Sunday, April 8, 2007

tagaytay

kahit papano masaya ako ngayon dahiul kasama ko yung mga pinsan ko sa tagaytay ngayon. its 1:30 AM and we're still here. i have to drive home pa. kailangan lang talagang lubusin itong bakasyon because on tuesday i have to go back to work. i am really dreading it. i want to go on vacation for a long time. i am planning to go to roxas city by my lonesome on my birthday. screw my other plans!

marami na talagang nabago sa mga plano ko. dapat pupunta ako sa states for the summer pero nabago ang lahat pero hindi na matutuloy yung dahilan kung bakit ako nag stay dito in the first place. damn talaga.

sana matuloy kaming magpipinsan sa batangas either tomorrow or sa tuesday. overnioght yun and i'm bound to have some more fun.

i really miss that girl i saw in the airport last night. sana makita ko uli sya. nakakainis the only picture i got of her was a stolen back shot which is not really the best shot one can have.

and kanina sa carlos pizza my DC was not accepted. they are suppressing the card! bwisit talaga sila. oh well at least hindi na madadagdagan yung bill ko for the next cut-off.

going back to tagaytay... i'm here with my mother side cousins jojo, nina and her bf garri, cara, dianne, and matthew. ang saya talaga. 5pm na kami umalis sa manila that's why we're still here.

Friday, April 6, 2007

...:(

sometimes it is so sad that you have to feel sad. right now i am sooo sad. someone broke my heart last Wednesday. yesterday i spent most of my time thinking about what to do just to keep myself out of what happened. I guess some things are just really not meant to be...

Tuesday, March 27, 2007

gulo

TO na naman ako ngayon. ang pangit kasi mag area sito sa riverbanks. sana sa greenhills na lang ako pumunta para marami pa kong magawa. after lunch mag-uumpisa na ko magtrabaho dito. may bumabagabag sakin nang todo. hindi ko na lang isusulat dito pero ang lungkot ko ngayon.

kaya nga dapat magtrabaho na lang ako ng magtrabaho para makalimutan ko yung bagay na yun eh. ewan ko ba.

gulo talaga.

Saturday, March 10, 2007

DCI

Gustong-gusto ko talaga magkaroon ng product namin-- ang DC credit card. Meron na ako actually. Pero sobrang bagal ng system namin kaya hindi ko pa rin magamit hanggang ngayon. Sa Monday pa raw. Now it is clear to me why DC in the Philippines is not as strong as other cards.

Wednesday, March 7, 2007

HALAGA

Bawat tao ay may isang taong pinahahalagahan. Ganun din ako. Dati, until recently, yung isang taong pinahahalagahan ko ay hindi ko na masyadong pinahahalagahan kasi hindi naman mutual yung pagpapahalaga.

nakakatuwa lang isipin na mayroon uli akong isang taong papahalagahan ngayon. hindi ko lang alam kung pahahalagahan din niya ako katulad ng pagpapahalaga ko sa kanya.

sana lang ay pahalagahan din niya ko... hindi tulad ng iba dyan na "bumbay" or loosely translated, "indian". hahaha

Monday, March 5, 2007

stupid text

stupid text
Last Jan 3, I received this SMS from some unknow person just as i was going to sleep. sumakit ulo ko sa kakaisip kung anong gusto nyang palabasin. muntik na kong hindi makatulog.
it goes like this:
H! Reia.. Alam u ng punta. Me jan knina s, awang hnap kita.. PRu d0n k. Daw s, huz u.. Me 2. C mury' uy cnxA kna knina ha kc.. Kuha ng fren me ung cp 2ng cp ay s. Kuya me..
i was able to finally decipher the message just last night when i was at MOA watching the World Pyrolympics.


First posted at Friendster (1/6/2007)

Wednesday, February 28, 2007

Hawak Kamay atbp

hawak kamay-- ito ang theme song ng sb cards merchant sales north team. ito ay pinauso ni AJ na agad namang kinagat namin. may bago na nga raw.

"if we hold on together"-- yun na raw yung bagong kanta pag magkakasama kami.

nanggigitata-- ang kanta namin pag sa outskirts kami nag e-area at sobrang init. kantahin sa tono ng "nanghihinayang"

pilot training again

at last nag email uli sa kin si narmon tirol regarding pilot training! sana naman i would be able to pass all the tests. hindi tulad last year. pag nakapasok ako, goodbye na sa corporate world na ito.Ü

Tuesday, February 27, 2007

the (mis)adventures of an MAS

Malaki rin pala yung risk sa trabaho ko bilang isang MAS ng Diners Club Philippines.

Yung una kong karanasan na mahuli sa isang mall dahil wala akong permit ay sa Tiendesitas kung saan sinundan talaga ako ng guwardiya hanggang ako'y mahuli niya. Sinabi ko na lang na vital sa business ng merchant yung ginagawa kong iyon kaya hindi na nakaimik yung naturang guwardiya. Buti na lang ay naki-ride sa akin yung merchant na kausap ko.

Pangalawa naman ay nung nahuli kami ng guwardiya sa EDSA Shangri-la habang namimigay ng mga ballpen para sa Christmas giveaways. Nakaka-16 merchants pa lang kami nang kami'y hulihin at ipadala sa Admin Office ng naturang mall. Alam ko kung bakit ako nahuli noon. Kasama ko kasi ang "walking balat" ng merchant sales unit namin. May huli nga talaga.

Isa pa ay sa Shoppesville kung saan pagkatapos kong mag-check ng terminal ay nagliyab sa loob ng tindahan at muntikan na kaming masunog. Buti na lang ay naagapan naman kaagad.

Dati naman nahuli ako sa daan noong kasagsagan ng bagyong Milenyo kung saan nagdedelubyo na at nagchecheck pa rin ako ng mga terminal.

Ayos di ba?Ü

weird text (part 2)

i received another text from some unknown person.

...;-)mStA n!nAamoY BaLiGyA NgA L0d kY mAgPaLiT AbE mE!....uNSAy BaLitA deHa!....;-(]

from 09264036360

Wednesday, February 21, 2007

mysterious caller

kanina sa office may tumawag sa kin na hindi ko kilala. nakikipagkita sa glorietta. sabi ko hindi kasi sa marikina ako magtatrabaho pero ngayon nasa galleria ako. pakiramdam ko kilala ko yung tumawag pero hindi ko ma-confirm. "Carla" pa yung ginamit niyang pangalan e ang kilala ko lang na may ganung pangalan ay si ate. weird talaga. talagang Dave Mejia pa yung tawag sa kin tapos ang bagal magsalita. sino kaya yun? close ba kami? sana nga totoong kilala ko na babaeng gusto ko rin. hehe asa pa ko. But judging by the ring of the telephone, I know that the call came from somewhere in the office. pag outside call kasi makulit yung pag-ring ng phone pero kanina isang steady ring lang. so galing nga sa office yun. sino kaya yun? at bakit ako pinagtritripan? sana mabisto ko kung sino man yun para maayos na ang lahat.

Thursday, January 25, 2007

drayber

Ang mga drayber sa Pilipinas, partikular ang mga PUV (public utility vehicle) drivers ay madalas nakakainis. Gaya na lamang ng mga drayber ng bus. Araw-araw akong sumasakay ng bus sa EDSA. *Ayala yala yala LRT Leveriza (pronounced by them as "LIVIRIZA")! Lagi ko itong naririnig sa mga kunduktor na nakikipag-agawan ng pasahero. Del Carmen, Filipinas Trailways, Erin, Philippine Corinthian Liner, Bave, JMK ay ilan lang sa mga bus na sinasakyan ko araw-araw sa EDSA. May mga bus na ayos-- maganda! Pero mas madalas akong mapasakay sa mga bulok na bus na palaging nakalawit sa loob yung mga gulong. Okay lang sana kung walang trapik pero hindi eh. Twing umaga kailangan kong makipagsapalaran sa trapiko sa Guadalupe patungong Ayala. Minsan mang maluwag ang trapiko, nuknukan naman ng katagalan maghintay sa Cubao, Ortigas, Shaw, Boni, Guadalupe, Estrella at Buendia. so wala rin. Minsan na akong nakasakay sa bus na pinagmamalaki ng mga ka-opisina ko. it ay ang FermEx o pinaikling Fermina Express. Parang FedEx. Mabilis ito at hindi masyado naghihintay ng pasahero. Yun nga lang, hindi karamihan ang mga ito at kailangan pang hintayin nang matagal sa gitna ng Cubao Ibabaw kung kaya'y hindi na naulit ang mabilis na biyahe. Na-stuck lang ako sa mababagal na !##?+\0$%^&%^**(*. Pag medyo napupuno na sa Shaw ang bus, bukambibig na ng mga kunduktor ang "konting usog pa!" o di kaya'y "sa dulo! animan yun!" kahit wala nang madaanan maging ang kunduktor.
Isang beses, may isang pasahero na naglakas-loob magreklamo at nakipag-away sa kunduktor. #$%^ din naman yung kunduktor dahil sinabi nito na mag MRT na lang ang naturang pasahero at nagtatrabaho daw sila nang mahusay. $%^&* nga naman oo.


Isa pa ang mga drayber ng dyip. kahit kinakalawang na ay isisiksik pa rin ang maraming tao. "Waluhan yan!" sigaw niya kahit anim lang ang kasya. Lulutang na lang ang pwet ng kawawang pasaherong nagpa-uto. Tama nga si Bob Ong. Hindi pa ipinapanganak ang super Pinoy Driver.